Ang Pagsilang kay Isaac
1 Ngayon, biniyayaan ng Panginoon si Sara at tinupad ang kanyang sinabi gaya ng kanyang ipinangako. 2 Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Diyos.
6 Sinabi ni Sara, "Pinatawa ako ng Diyos, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin. 7 Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Ngunit nagkaanak pa ako kahit matanda na siya."