Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 3:1-5

OASD Ang Salita ng Diyos

Nagkasala ang Lalaki at Babae

1 Sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Diyos, ang ahas ang pinakatuso. Minsan, tinanong ng ahas ang babae, "Totoo bang pinagbabawalan kayo ng Diyos na kumain ng bunga ng alinmang puno sa halamanan?"

2 Sumagot ang babae, "Makakain namin ang kahit anong bunga ng puno rito sa halamanan, 3 maliban lang sa bunga ng puno na nasa gitna ng halamanan. Sapagkat sinabi ng Diyos na hindi kami dapat kumain o humipo man lang ng bunga ng punong iyon. Kapag ginawa namin iyon, mamamatay kami."

4 Ngunit sinabi ng ahas, "Hindi totoong mamamatay kayo! 5 Sinabi iyan ng Diyos dahil alam niya na kapag kumain kayo ng bungang iyon, mabubuksan ang mga isip ninyo, at magiging katulad niya kayo na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Apoc. 12:9;20:2.Ang ahas nga ay lalong Mat. 10:16;2 Cor. 11:3.tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?

    2 At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami:

    3 Gen. 2:17.Datapuwa’t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay.

    4 At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay:

    5 Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.