Publicidade

Gênesis 9

8 Sinabi pa ng Diyos kay Noe at sa mga anak niya, 9 "Itinatakda ko ngayon ang kasunduan ko sa inyo at sa mga lahi ninyo, 10 at sa bawat nilalang na kasama ninyo sa barko: ang mga ibon, mga hayop na maaamo at maiiilap, lahat ng kasama ninyong lumabas sa barko, at sa bawat nilalang sa lupa. 11 Ito ang itinatakda kong kasunduan sa inyo: Hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng may buhay sa pamamagitan ng baha. At hindi na muling magkakaroon ng baha na lilipol sa daigdig."

12 At sinabi pa ng Diyos, "Bilang palatandaan ng kasunduan ko sa inyo at sa lahat ng nilalang na kasama ninyo, at sa lahat ng susunod pang mga henerasyon, 13 inilagay ko ang aking bahaghari sa mga ulap, at ito ang magiging palatandaan ng aking kasunduan sa inyo.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-