Tinawag ni Hesus sina Felipe at Natanael
43 Kinabukasan, nagpasya si Hesus na pumunta sa Galilea. Dooʼy nakita niya si Felipe at sinabi niya rito, "Sumunod ka sa akin."
44 Si Felipe ay taga-Betsaida, tulad nina Andres at Pedro. 45 Hinanap ni Felipe si Natanael at sinabi niya rito, "Natagpuan na namin ang taong tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta. Siya si Hesus na taga-Nazaret na anak ni Jose."