Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 20

Nagpakita si Hesus kay Maria na Taga-Magdala

11 Naiwan si Maria sa labas ng libingan na umiiyak. Habang umiiyak, sumilip siya sa loob ng libingan 12 at nakita niya ang dalawang anghel na nakaputi. Nakaupo sila sa pinaglagyan ng bangkay ni Hesus, isa sa may ulunan at isa sa may paanan.

13 Tinanong nila si Maria, "Babae, bakit ka umiiyak?"

Sumagot siya, "May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya dinala." 14 Pagkasabi nitoʼy lumingon siya at nakita si Hesus na nakatayo, pero hindi niya nakilala na si Hesus iyon.

15 Tinanong siya ni Hesus, "Babae, bakit ka umiiyak? Sino ba ang hinahanap mo?"

Sa pag-aakalang siya ang hardinero doon, sumagot si Maria, "Kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro nʼyo sa akin kung saan nʼyo siya dinala, at kukunin ko siya."

16 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Maria!"

Humarap si Maria kay Hesus at sinabi sa wikang Hebreo, "Raboni!" (na ang ibig sabihin ay "Guro").

17 Sinabi ni Hesus, "Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakabalik sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko at sabihing babalik na ako sa aking Ama na inyong Ama, at sa aking Diyos na inyong Diyos."

18 Kaya pinuntahan ni Maria na taga-Magdala ang mga alagad ni Hesus at ibinalita sa kanila na nakita niya ang Panginoon. At sinabi niya sa kanila ang mga ipinasasabi ni Hesus.

Veja também