14 Ngunit isinusumpa ko
ang araw na akoʼy isinilang!
Hindi ko ikinagagalak ang araw
na ipinanganak ako ng aking ina!
15 Isinusumpa ko ang nagbalita sa aking ama na,
"Lalaki ang anak mo!"
na siyang ikinagalak ng aking ama.
16 Nawa ang taong iyon
ay maging katulad ng mga bayang
winasak ng Panginoon
at hindi kinahabagan.
Nawaʼy maghapon niyang mapakinggan
ang sigaw at daing
ng mga tao sa digmaan.
17 Sapagkat hindi niya ako pinatay
noong akoʼy nasa sinapupunan pa
ng aking ina.
Sanaʼy naging libingan ko na lang
ang tiyan ng aking ina,
o di kayaʼy ipinagbuntis
na lamang niya ako magpakailanman.
18 Bakit pa ako isinilang?
Para lang ba makita ang kaguluhan
at kahirapan,
at mamatay sa kahihiyan?