Si Hoseas at ang Kanyang Asawa
1 Sinabi ng Panginoon sa akin, "Umalis ka at ipakita mong muli ang iyong pagmamahal sa iyong asawa kahit na nangangalunya siya. Mahalin mo siya katulad ng pagmamahal ko sa mga mamamayan ng Israel kahit na sumasamba sila sa ibang mga diyos at gustong maghandog sa kanila ng mga tinapay na may mga pasas."
2 Kaya binili ko siya3:2 binili ko siya: Hindi matiyak kung siyaʼy kailangang bilhin. Iba-iba ang mga pakahulugan dito. sa halagang labinlimang pirasong pilak at apat na sakong sebada.3:2 apat na sakong sebada: Sa Septuagint, tatlong sakong sebada at ilang litrong alak. 3 At sinabi ko sa kanya, "Makisama ka sa akin ng mahabang panahon, at huwag ka nang sumiping sa ibang lalaki. Kahit ako ay hindi muna sisiping sa iyo."