1 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo. 2 Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali. 3 Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok, at ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong. 4 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at natuyo; sapagka't nalimutan kong kanin ang aking tinapay. 5 Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman. 6 Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan. 7 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan. 8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin. 9 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak. 10 Dahil sa iyong galit at iyong poot: sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis. 11 Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at ako'y natuyo na parang damo. 12 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi. 13 Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating. 14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok. 15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian; 16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian; 17 Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin. 18 Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon. 19 Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit; 20 Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin; 21 Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem; 22 Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon. 23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko. 24 Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan; ang mga taon mo'y lampas sa mga sali't saling lahi. 25 Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay. 26 Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan: 27 Nguni't ikaw rin, at ang mga taon mo'y hindi magkakawakas. 28 Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi, at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
1 En bønn av en elendig, når han vansmekter og utøser sin sorg for Herrens åsyn.2 Herre, hør min bønn og la mitt rop komme til dig!3 Skjul ikke ditt åsyn for mig på den dag jeg er i nød! Bøi ditt øre til mig! På den dag jeg roper, skynd dig å svare mig!4 For mine dager er faret bort som en røk, og mine ben er forbrent som en brand.5 Mitt hjerte er stukket som en urt og fortørket; for jeg har glemt å ete mitt brød.6 For mine lydelige sukks skyld henger mine ben ved mitt kjøtt.7 Jeg ligner pelikanen i ørkenen, jeg er som uglen på øde steder.8 Jeg våker og er blitt som en enslig fugl på taket.9 Hele dagen spotter mine fiender mig; de som raser mot mig, sverger ved mig*. / {* JES 65, 15.}10 For jeg eter aske som brød og blander min drikk med gråt11 for din vredes og din harmes skyld; for du har løftet mig op og kastet mig bort.12 Mine dager er som en hellende skygge, og selv visner jeg som en urt.13 Men du, Herre, du troner til evig tid, og ditt minne varer fra slekt til slekt.14 Du vil reise dig, du vil forbarme dig over Sion; for det er tiden til å være det nådig, timen er kommet.15 For dine tjenere elsker dets stener, og de ynkes over dets støv.16 Og hedningene skal frykte Herrens navn, og alle jordens konger din herlighet.17 For Herren har bygget Sion, han har åpenbaret sig i sin herlighet.18 Han har vendt sig til de hjelpeløses bønn, og han har ikke foraktet deres bønn.19 Dette skal bli opskrevet for den kommende slekt, og det folk som skal skapes, skal love Herren.20 For han har sett ned fra sin hellige høide, Herren har fra himmelen skuet til jorden21 for å høre den fangnes sukk, for å løse dødens barn,22 forat de i Sion skal forkynne Herrens navn og hans pris i Jerusalem,23 når de samler sig, folkeslagene og rikene, for å tjene Herren.24 Han har bøiet min kraft på veien, han har forkortet mine dager.25 Jeg sier: Min Gud, ta mig ikke bort midt i mine dager! Dine år varer fra slekt til slekt.26 Fordum grunnfestet du jorden, og himlene er dine henders gjerning.27 De skal forgå, men du blir stående; de skal alle eldes som et klæde, som et klædebon omskifter du dem, og de omskiftes,28 men du er den samme, og dine år får ingen ende.29 Dine tjeneres barn skal bo i ro, og deres avkom skal stå fast for ditt åsyn.