1 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita, at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon. 2 Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios. 3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. 4 Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan: 5 Pisanin mo ang aking mga banal sa akin; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain. 6 At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran; sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah) 7 Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita; Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo: Ako'y Dios, iyong Dios. 8 Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain; at ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko. 9 Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay, ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan. 10 Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin, at ang hayop sa libong burol. 11 Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok: at ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin. 12 Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo: sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito. 13 Kakanin ko ba ang laman ng mga toro, o iinumin ang dugo ng mga kambing? 14 Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan: 15 At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako. 16 Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios, Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan, at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig? 17 Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo, at iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo. 18 Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya, at naging kabahagi ka ng mga mapangalunya. 19 Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan. 20 Ikaw ay nauupo, at nagsasalita laban sa iyong kapatid; iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina. 21 Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y tumahimik; iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo: nguni't sasawayin kita, at aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata. 22 Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios, baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas: 23 Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.
1 En salme av Asaf. Den Allmektige, Gud Herren, taler og kaller på jorden fra solens opgang til dens nedgang.2 Fra Sion, skjønnhetens krone, stråler Gud frem.3 Vår Gud kommer og skal ikke tie; ild fortærer for hans åsyn, og omkring ham stormer det sterkt.4 Han kaller på himmelen der oppe og på jorden for å dømme sitt folk:5 Samle til mig mine fromme, som har inngått pakt med mig om offer!6 Og himmelen kunngjør hans rettferdighet; for Gud er den som skal dømme. Sela.7 Hør, mitt folk, jeg vil tale, Israel, jeg vil vidne for dig: Gud, din Gud, er jeg.8 Ikke for dine offers skyld vil jeg straffe dig; dine brennoffer er alltid for mig.9 Jeg vil ikke ta okser fra ditt hus eller bukker fra dine hegn.10 For mig hører alle dyr i skogen til, dyrene på fjellene i tusentall.11 Jeg kjenner alle fjellenes fugler, og det som rører sig på marken, står for mig.12 Om jeg hungret, vilde jeg ikke si det til dig; for mig hører jorderike til og alt det som fyller det.13 Mon jeg skulde ete oksers kjøtt og drikke bukkers blod?14 Ofre Gud takksigelse og gi den Høieste det du har lovt,15 og kall på mig på nødens dag, så vil jeg utfri dig, og du skal prise mig.16 Men til den ugudelige sier Gud: Hvad har du med å fortelle om mine lover og føre min pakt i din munn?17 Du hater jo tukt og kaster mine ord bak dig.18 Når du ser en tyv, er du gjerne med ham, og med horkarler gjør du felles sak.19 Din munn slipper du løs med ondt, og din tunge spinner sammen svik.20 Du sitter og taler imot din bror, du baktaler din mors sønn.21 Dette har du gjort, og jeg har tidd; du tenkte jeg var som du; men jeg vil straffe dig og stille det frem for dine øine.22 Legg merke til dette, I som glemmer Gud, forat jeg ikke skal sønderrive, og det er ingen som redder!23 Den som ofrer takksigelse, ærer mig, og den som går den rette vei, ham vil jeg la skue Guds frelse.