1 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan. 2 Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. 3 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw. 4 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa. 5 Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo. 6 Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing. 7 Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; sapagka't iyong sasagutin ako. 8 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa. 9 Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan. 10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios. 11 Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; lalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan. 12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso; at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man. 13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol. 14 Oh Dios, ang palalo ay bumangon laban sa akin, at ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa, at hindi inilagay ka sa harap nila. 15 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan. 16 Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin; ibigay mo ang lakas mo sa iyong lingkod. At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae. 17 Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti: upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya, sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.
1 En bønn av David. Bøi, Herre, ditt øre, svar mig! for jeg er elendig og fattig.2 Bevar min sjel! for jeg er from. Frels din tjener, du min Gud, ham som setter sin lit til dig!3 Vær mig nådig, Herre! for til dig roper jeg hele dagen.4 Gled din tjeners sjel! for til dig, Herre, løfter jeg min sjel.5 For du, Herre, er god og villig til å forlate og rik på miskunnhet mot alle dem som påkaller dig.6 Vend øret, Herre, til min bønn, og merk på mine inderlige bønners røst!7 På min nøds dag kaller jeg på dig, for du svarer mig.8 Ingen er som du blandt gudene, Herre, og intet er som dine gjerninger.9 Alle hedningene, som du har skapt, skal komme og tilbede for ditt åsyn, Herre, og ære ditt navn.10 For du er stor og den som gjør undergjerninger; du alene er Gud.11 Lær mig, Herre, din vei! Jeg vil vandre i din sannhet. Gi mig et udelt hjerte til å frykte ditt navn!12 Jeg vil prise dig, Herre min Gud, av hele mitt hjerte, og jeg vil ære ditt navn evindelig.13 For din miskunnhet er stor over mig, og du har utfridd min sjel av det dype dødsrike.14 Gud! Overmodige har reist sig imot mig, og en hop av voldsmenn står mig efter livet, og de har ikke dig for øie.15 Men du, Herre, er en barmhjertig og nådig Gud, langmodig og rik på nåde og sannhet.16 Vend dig til mig og vær mig nådig, gi din tjener din styrke og frels din tjenestekvinnes sønn!17 Gjør et tegn med mig til det gode, forat mine avindsmenn kan se det og bli til skamme, fordi du, Herre, har hjulpet mig og trøstet mig.