Publicidade

Salmos 104

1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan. 2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing: 3 Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin: 4 Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy: 5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man, 6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok. 7 Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila; 8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila. 9 Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa. 10 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok: 11 Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno. 12 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga. 13 Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa. 14 Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa: 15 At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao. 16 Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog; ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim; 17 Na pinamumugaran ng mga ibon: tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay. 18 Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho. 19 Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog. 20 Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat. 21 Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain. 22 Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib. 23 Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan. 24 Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan. 25 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman. 26 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon. 27 Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan. 28 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila; iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan. 29 Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok. 30 Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa. 31 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa: 32 Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig: kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok. 33 Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan. 34 Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon. 35 Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa, at mawala nawa ang masama. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Purihin ninyo ang Panginoon.

1 Min sjel, lov Herren! Herre min Gud, du er såre stor, høihet og herlighet har du iklædd dig.2 Han hyller sig i lys som i et klædebon, han spenner himmelen ut som et telt,3 han som tømrer i vannene sine høie saler, han som gjør skyene til sin vogn, som farer frem på vindens vinger.4 Han gjør vinder til sine engler, luende ild til sine tjenere.5 Han grunnfestet jorden på dens støtter, den skal ikke rokkes i all evighet.6 Du hadde dekket den med dype vann som med et klædebon; vannene stod over fjellene.7 For din trusel flydde de, for din tordens røst for de hastig bort.8 De steg op til fjellene, fór ned i dalene, til det sted du hadde grunnfestet for dem.9 En grense satte du, som de ikke skal overskride; de skal ikke vende tilbake for å dekke jorden.10 Han lar kilder springe frem i dalene; mellem fjellene går de.11 De gir alle markens dyr å drikke; villeslene slukker sin tørst.12 Over dem bor himmelens fugler; mellem grenene lar de høre sin røst.13 Han vanner fjellene fra sine høie saler; av dine gjerningers frukt mettes jorden.14 Han lar gress gro for feet og urter til menneskets tjeneste, til å få brød frem av jorden.15 Og vin gleder menneskets hjerte, så den gjør åsynet mer skinnende enn olje, og brød styrker menneskets hjerte.16 Herrens trær mettes, Libanons sedrer som han har plantet,17 der hvor fuglene bygger rede, storken som har sin bolig i cypressene.18 De høie fjell er for stengjetene, klippene er tilflukt for fjellgrevlingene.19 Han gjorde månen til å fastsette tidene; solen kjenner sin nedgangstid.20 Du gjør mørke, og det blir natt; i den rører sig alle dyrene i skogen.21 De unge løver brøler efter rov, for å kreve sin føde av Gud.22 Solen går op, de trekker sig tilbake og legger sig i sine boliger.23 Mennesket går ut til sin gjerning og til sitt arbeid inntil aftenen.24 Hvor mange dine gjerninger er, Herre! Du gjorde dem alle viselig; jorden er full av det du har skapt.25 Der er havet, stort og vidtstrakt; der er en vrimmel uten tall, der er dyr, både små og store.26 Der går skibene, Leviatan*, som du skapte til å leke sig der. / {* SLM 74, 14.}27 Alle venter de på dig, at du skal gi dem deres føde i sin tid.28 Du gir dem, de sanker; du oplater din hånd, de mettes med godt.29 Du skjuler ditt åsyn, de forferdes; du drar deres livsånde tilbake, de dør og vender tilbake til sitt støv.30 Du sender din Ånd ut, de skapes, og du gjør jordens skikkelse ny igjen.31 Herrens ære være til evig tid! Herren glede sig i sine gjerninger!32 Han som ser til jorden, og den bever, som rører ved fjellene, og de ryker.33 Jeg vil lovsynge Herren så lenge jeg lever; jeg vil synge for min Gud så lenge jeg er til.34 Måtte min tale tekkes ham! Jeg vil glede mig i Herren!35 Men måtte syndere utryddes av jorden, og ugudelige ikke mere finnes! Min sjel, lov Herren! Halleluja*! / {* d.e. lov Herren.}

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-