1 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing. 2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing; 3 Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako. 4 Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin. 5 Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan. 6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga. 7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah) 8 Ako'y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo. 9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan. 10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon. 11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan. 12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya: 13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik. 14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios. 15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila. 16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon. 17 Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig. 18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin: Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin. 19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila, siyang tumatahan ng una. (Selah) 20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya: kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan. 21 Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya: nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma: ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis, gayon ma'y mga bunot na tabak. 22 Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid. 23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni't titiwala ako sa iyo.
1 Til sangmesteren; med strengelek; en læresalme av David.2 Vend øret, Gud, til min bønn, og skjul dig ikke for min inderlige begjæring!3 Gi akt på mig og svar mig! Mine sorgfylte tanker farer hit og dit, og jeg må stønne,4 for fiendens røst, for den ugudeliges undertrykkelse; for de velter elendighet over mig, og i vrede forfølger de mig.5 Mitt hjerte bever i mitt bryst, og dødens redsler er falt på mig.6 Frykt og beven kommer over mig, og forferdelse legger sig over mig.7 Og jeg sier: Gid jeg hadde vinger som duen! Da vilde jeg flyve bort og feste bo.8 Se, jeg vilde flykte langt bort, jeg vilde ta herberge i ørkenen. Sela.9 Jeg vilde i hast søke mig et tilfluktssted for den rasende vind, for stormen.10 Opsluk dem, Herre, kløv deres tungemål! For jeg ser vold og kiv i byen.11 Dag og natt vandrer de omkring den på dens murer, og elendighet og ulykke er inneni den.12 Fordervelse er inneni den, og undertrykkelse og svik viker ikke fra dens torv.13 For ikke er det en fiende som håner mig, ellers vilde jeg bære det; ikke er det min avindsmann som ophøier sig over mig, ellers vilde jeg skjule mig for ham;14 men det er du, du som var min likemann, min venn og min kjenning -15 vi som levde sammen i fortrolig omgang, som vandret til Guds hus blandt den glade høitidsskare.16 Ødeleggelse komme over dem! La dem fare levende ned i dødsriket! For ondskap hersker i deres bolig, i deres hjerte.17 Jeg vil rope til Gud, og Herren skal frelse mig.18 Aften og morgen og middag vil jeg klage og sukke, så hører han min røst.19 Han forløser min sjel fra striden imot mig og gir mig fred; for i mengde er de omkring mig.20 Gud skal høre og svare* dem - han troner jo fra fordums tid, sela - dem som ikke vil bli anderledes, og som ikke frykter Gud. / {* d.e. straffe.}21 Han* legger hånd på dem som har fred med ham, han vanhelliger sin pakt. / {* SLM 55, 13. 14.}22 Hans munns ord er glatte som smør, men hans hjertes tanke er strid; hans ord er bløtere enn olje, og dog er de dragne sverd.23 Kast på Herren det som tynger dig! Han skal holde dig oppe; han skal i evighet ikke la den rettferdige rokkes.24 Og du, Gud, skal støte dem ned i gravens dyp; blodgjerrige og falske menn skal ikke nå det halve av sine dager; men jeg setter min lit til dig.