1 Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal? 2 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik. 3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel. 4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila. 5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya. 6 Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan. 7 Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, 8 Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya: 9 Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina. 10 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina. 11 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong. 12 Niligid ako ng maraming toro; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin. 13 Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig, na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon. 14 Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko. 15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. 16 Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. 17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako: 18 Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan. 19 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako. 20 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso. 21 Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako. 22 Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita. 23 Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel. 24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig. 25 Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya. 26 Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man. 27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo. 28 Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa. 29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa. 30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi, 31 Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
1 Til sangmesteren; efter "Morgenrødens hind"*; en salme av David. / {* sannsynligvis melodien.}2 Min Gud! Min Gud! Hvorfor har du forlatt mig? Langt borte fra min frelse er min klages ord.3 Min Gud! Jeg roper om dagen, og du svarer ikke, og om natten, og jeg får ikke tie.4 Og du er dog hellig, du som troner over Israels lovsanger.5 Til dig satte våre fedre sin lit; de satte sin lit til dig, og du utfridde dem.6 Til dig ropte de, og de blev reddet; til dig satte de sin lit, og de blev ikke til skamme.7 Men jeg er en orm og ikke en mann, menneskers spott og folks forakt.8 Alle de som ser mig, spotter mig, vrenger munnen, ryster på hodet og sier:9 Sett din vei i Herrens hånd! Han skal redde ham, han skal utfri ham, siden han har behag i ham.10 Ja, du er den som drog mig frem av mors liv, som lot mig hvile trygt ved min mors bryst.11 På dig er jeg kastet fra mors liv; fra min mors skjød er du min Gud.12 Vær ikke langt borte fra mig! for trengselen er nær, og det er ingen hjelper.13 Sterke okser omringer mig, Basans okser kringsetter mig.14 De spiler op sin munn imot mig som en sønderrivende og brølende løve.15 Jeg er utøst som vann, og alle mine ben skiller sig at; mitt hjerte er som voks, smeltet midt i mitt liv.16 Min kraft er optørket som et potteskår, og min tunge henger fast ved mine gommer, og i dødens støv legger du mig.17 For hunder omringer mig, de ondes hop kringsetter mig; de har gjennemboret mine hender og mine føtter.18 Jeg kan telle alle mine ben; de ser til, de ser på mig med lyst.19 De deler mine klær mellem sig og kaster lodd om min kjortel.20 Men du? Herre, vær ikke langt borte, du min styrke, skynd dig å hjelpe mig!21 Redd min sjel fra sverdet, mitt eneste* fra hunders vold! / {* d.e. min sjel.}22 Frels mig fra løvens gap, og fra villoksenes horn - du bønnhører mig!23 Jeg vil kunngjøre ditt navn for mine brødre, midt i menigheten vil jeg love dig.24 I som frykter Herren, lov ham, all Jakobs ætt, ær ham, og frykt for ham, all Israels ætt!25 For han har ikke foraktet og ikke avskydd den elendiges elendighet og ikke skjult sitt åsyn for ham; men da han ropte til ham, hørte han.26 Fra dig utgår min pris i en stor forsamling; mine løfter vil jeg holde for deres øine som frykter ham.27 De saktmodige skal ete og bli mette; de som søker Herren, skal love ham; eders hjerte leve til evig tid!28 Alle jordens ender skal komme det i hu og vende om til Herren, og alle folkenes slekter skal tilbede for ditt åsyn.29 For riket hører Herren til, og han hersker over folkene.30 Alle jordens rikmenn skal ete og tilbede; for hans åsyn skal alle de bøie sig som stiger ned i støvet, og den som ikke kan holde sin sjel i live.31 Efterkommerne skal tjene ham, der skal fortelles om Herren til efterslekten.32 De skal komme og kunngjøre hans rettferdighet for det folk som blir født, at han har gjort det.