1 Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako. 2 Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo. 3 Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad. 4 Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. 5 Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin. 6 Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot. 7 Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? 8 Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. 9 Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; 10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin. 11 Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; 12 Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo. 13 Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. 14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. 15 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa. 16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila, 17 Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila! 18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin: pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako. 19 Walang pagsalang iyong papatayin ang masama, Oh Dios: hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao. 20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan, at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan. 21 Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo? At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo? 22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan: sila'y naging mga kaaway ko. 23 Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: 24 At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
1 Til sangmesteren; av David; en salme. Herre, du ransaker mig og kjenner mig.2 Enten jeg sitter, eller jeg står op, da vet du det; du forstår min tanke langt fra.3 Min sti og mitt leie gransker du ut, og du kjenner grant alle mine veier.4 For det er ikke et ord på min tunge - se, Herre, du vet det alt sammen.5 Bakfra og forfra omgir du mig, og du legger din hånd på mig.6 Å forstå dette er mig for underlig, det er for høit, jeg makter det ikke.7 Hvor skal jeg gå fra din Ånd, og hvor skal jeg fly fra ditt åsyn?8 Farer jeg op til himmelen så er du der, og vil jeg rede mitt leie i dødsriket, se, da er du der.9 Tar jeg morgenrødens vinger, og vil jeg bo ved havets ytterste grense,10 så fører også der din hånd mig, og din høire hånd holder mig fast.11 Og sier jeg: Mørket skjule mig, og lyset omkring mig bli natt -12 så gjør heller ikke mørket det for mørkt for dig, og natten lyser som dagen, mørket er som lyset.13 For du har skapt mine nyrer, du virket mig i min mors liv.14 Jeg priser dig fordi jeg er virket på forferdelig underfull vis; underfulle er dine gjerninger, og min sjel kjenner det såre vel.15 Mine ben var ikke skjult for dig da jeg blev virket i lønndom, da jeg blev kunstig virket i jordens dyp*. / {* d.e. i mors liv.}16 Da jeg bare var foster, så dine øine mig, og i din bok blev de alle opskrevet de dager som blev fastsatt da ikke en av dem var kommet.17 Hvor vektige dine tanker er for mig, Gud, hvor store deres summer!18 Vil jeg telle dem, så er de flere enn sand; jeg våkner op, og jeg er ennu hos dig.19 Gud, gid du vilde drepe den ugudelige, og I blodtørstige menn, vik fra mig -20 de som nevner ditt navn til å fremme onde råd, som bruker det til løgn, dine fiender!21 Skulde jeg ikke hate dem som hater dig, Herre, og avsky dem som reiser sig imot dig?22 Jeg hater dem med et fullkomment hat; de er mine fiender.23 Ransak mig, Gud, og kjenn mitt hjerte! Prøv mig og kjenn mine mangehånde tanker,24 og se om jeg er på fortapelsens vei, og led mig på evighetens vei!