1 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig. 2 Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una: 3 Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang. 4 Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa. 5 Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: 6 Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: 7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos: 8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios, 9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka. 10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan; 11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila. 12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan. 13 Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila; at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton. 14 Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap, at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy. 15 Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman. 16 Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog. 17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya, upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang. 18 At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita. 19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang? 20 Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan? 21 Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel; 22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas. 23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit; 24 At pinaulanan niya sila ng mana upang makain. At binigyan sila ng trigo ng langit. 25 Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya sila ng pagkain hanggang sa nangabusog. 26 Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan. 27 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok, at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat: 28 At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, sa palibot ng kanilang mga tahanan. 29 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita. 30 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig, 31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel. 32 Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila, at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa. 33 Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan. 34 Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios. 35 At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos. 36 Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila. 37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man sila sa kaniyang tipan. 38 Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot. 39 At naalaala niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumabalik. 40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang, at pinapanglaw nila siya sa ilang! 41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel. 42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway. 43 Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan; 44 At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom. 45 Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila. 46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang. 47 Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo, at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha. 48 Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo, at sa mga lintik ang kanilang mga kawan. 49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit, poot at galit, at kabagabagan, pulutong ng mga anghel ng kasamaan. 50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa; 51 At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto, ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham: 52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan. 53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot: nguni't tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway. 54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang santuario, sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay. 55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda. 56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo; 57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: sila'y nagsilisyang parang magdarayang busog. 58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan. 59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel: 60 Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo, ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao; 61 At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway. 62 Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak; at napoot sa kaniyang mana. 63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata; at ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa. 64 Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy. 65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog, gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak. 66 At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway: inilagay niya sila sa laging kadustaan. 67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose, at hindi pinili ang lipi ni Ephraim; 68 Kundi pinili ang lipi ni Juda, ang bundok ng Zion na kaniyang inibig. 69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan, parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man. 70 Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa: 71 Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana. 72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
1 En læresalme av Asaf. Lytt, mitt folk, til min lære, bøi eders ører til min munns ord!2 Jeg vil oplate min munn med tankesprog, jeg vil la utstrømme gåtefulle ord fra fordums tid.3 Det vi har hørt og vet, og det våre fedre har fortalt oss,4 det vil vi ikke dølge for deres barn, men for den kommende slekt fortelle Herrens pris og hans styrke og de undergjerninger som han har gjort.5 Han har reist et vidnesbyrd i Jakob og satt en lov i Israel, som han bød våre fedre å kunngjøre sine barn,6 forat den kommende slekt, de barn som skulde fødes, kunde kjenne dem, kunde stå frem og fortelle dem for sine barn7 og sette sitt håp til Gud og ikke glemme Guds gjerninger, men holde hans bud8 og ikke være som deres fedre, en opsetsig og gjenstridig slekt, en slekt som ikke gjorde sitt hjerte fast, og hvis ånd ikke var trofast mot Gud.9 Efra'ims barn, de rustede bueskyttere, vendte om på stridens dag.10 De holdt ikke Guds pakt og vilde ikke vandre i hans lov,11 og de glemte hans store gjerninger og de under som han hadde latt dem se.12 For deres fedres øine hadde han gjort under i Egyptens land, på Soans mark*. / {* 4MO 13, 22.}13 Han kløvde havet og lot dem gå gjennem det og lot vannet stå som en dynge.14 Og han ledet dem ved skyen om dagen og hele natten ved ildens lys.15 Han kløvde klipper i ørkenen og gav dem å drikke som av store vanndyp.16 Og han lot bekker gå ut av klippen og vann flyte ned som strømmer.17 Men de blev ennu ved å synde mot ham, å være gjenstridige mot den Høieste i ørkenen.18 Og de fristet Gud i sitt hjerte, så de krevde mat efter sin lyst.19 Og de talte mot Gud, de sa: Kan vel Gud dekke bord i ørkenen?20 Se, han har slått klippen så det fløt ut vann, og bekker strømmet over; mon han også kan gi brød, eller kan han komme med kjøtt til sitt folk?21 Derfor, da Herren hørte det, harmedes han, og ild optendtes mot Jakob, og vrede reiste sig mot Israel,22 fordi de ikke trodde på Gud og ikke stolte på hans frelse.23 Og han gav skyene der oppe befaling og åpnet himmelens porter.24 Og han lot manna regne over dem til føde og gav dem himmelkorn.25 Englebrød* åt enhver; han sendte dem næring til mette. / {* d.e. brød fra englenes bolig, himmelbrød.}26 Han lot østenvinden fare ut i himmelen og førte sønnenvinden frem ved sin styrke.27 Og han lot kjøtt regne ned over dem som støv og vingede fugler som havets sand,28 og han lot dem falle ned midt i deres leir, rundt omkring deres boliger.29 Og de åt og blev såre mette, og det de lystet efter, gav han dem.30 De hadde ennu ikke latt fare det de lystet efter, ennu var deres mat i deres munn,31 da reiste Guds vrede sig mot dem, og han herjet blandt deres kraftfulle menn, og Israels unge menn slo han ned.32 Med alt dette syndet de enda og trodde ikke på hans undergjerninger.33 Derfor lot han deres dager svinne bort i tomhet og deres år i forskrekkelse.34 Når han herjet blandt dem, da spurte de efter ham og vendte om og søkte Gud35 og kom i hu at Gud var deres klippe, og den høieste Gud deres gjenløser.36 Men de smigret for ham med sin munn og løi for ham med sin tunge.37 Og deres hjerte hang ikke fast ved ham, og de var ikke tro mot hans pakt.38 Men han, han er miskunnelig, han tilgir misgjerning og forderver ikke; mange ganger lot han sin vrede vende om og lot ikke all sin harme bryte frem.39 Og han kom i hu at de var kjød, et åndepust som farer avsted og ikke kommer tilbake.40 Hvor titt var de ikke gjenstridige mot ham i ørkenen, gjorde ham sorg på de øde steder!41 Og de fristet Gud på ny og krenket Israels Hellige.42 De kom ikke hans hånd i hu den dag han forløste dem fra fienden,43 han som gjorde sine tegn i Egypten og sine under på Soans mark.44 Han gjorde deres elver til blod, og sine rinnende vann kunde de ikke drikke.45 Han sendte imot dem fluesvermer som fortærte dem, og frosk som fordervet dem.46 Og han gav gnageren* deres grøde og gresshoppen deres høst. / {* d.e. gresshoppen.}47 Han slo deres vintrær ned med hagl og deres morbærtrær med haglstener.48 Og han overgav deres fe til haglet og deres hjorder til ildsluer.49 Han slapp sin brennende vrede løs mot dem, harme og forbitrelse og trengsel, en sending av ulykkes-bud.50 Han brøt vei for sin vrede, sparte ikke deres sjel for døden, overgav deres liv til pesten.51 Og han slo alle førstefødte i Egypten, styrkens førstegrøde i Kams telter.52 Og han lot sitt folk bryte op som en fåreflokk og førte dem som en hjord i ørkenen.53 Og han ledet dem tryggelig, og de fryktet ikke, men havet skjulte deres fiender.54 Og han førte dem til sitt hellige landemerke, til det berg hans høire hånd hadde vunnet.55 Og han drev hedningene ut for deres åsyn og lot deres land tilfalle dem som arvedel og lot Israels stammer bo i deres telter.56 Men de fristet Gud, den Høieste, og var gjenstridige mot ham, og de aktet ikke på hans vidnesbyrd.57 De vek av og var troløse, som deres fedre, de vendte om, likesom en bue som svikter.58 Og de vakte hans harme med sine offerhauger og gjorde ham nidkjær med sine utskårne billeder.59 Gud hørte det og blev vred, og han blev såre kjed av Israel.60 Og han forlot sin bolig i Silo, det telt han hadde opslått blandt menneskene.61 Og han overgav sin styrke til fangenskap og sin herlighet i fiendens hånd.62 Og han overgav sitt folk til sverdet og harmedes på sin arv.63 Ild fortærte dets unge menn, og dets jomfruer fikk ingen brudesang.64 Dets prester falt for sverdet, og dets enker holdt ikke klagemål*. / {* nemlig over sine døde.}65 Da våknet Herren som en sovende, som en helt som jubler av vin.66 Og han slo sine motstandere tilbake, påførte dem en evig skam.67 Og han forkastet Josefs telt og utvalgte ikke Efra'ims stamme,68 men han utvalgte Juda stamme, Sions berg som han elsket.69 Og han bygget sin helligdom lik høie fjell, lik jorden, som han har grunnfestet for evig tid.70 Og han utvalgte David, sin tjener, og tok ham fra fårehegnene;71 fra de melkende får som han gikk bakefter, hentet han ham til å vokte Jakob, sitt folk, og Israel, sin arv.72 Og han voktet dem efter sitt hjertes opriktighet og ledet dem med sin forstandige hånd.