1 Oh Dios, bakit mo itinakuwil kami magpakailan man? Bakit ang iyong galit ay umuusok laban sa mga tupa ng iyong pastulan? 2 Alalahanin mo ang iyong kapisanan na iyong binili ng una, na iyong tinubos upang maging lipi ng iyong mana; at ang bundok ng Sion na iyong tinahanan. 3 Itaas mo ang iyong mga paa sa mga walang hanggang guho, ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario. 4 Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda. 5 Sila'y tila mga tao na nangagtaas ng mga palakol sa mga kakahuyan. 6 At ngayo'y lahat ng gawang inanyuan doon. Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok. 7 Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario; kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa. 8 Kanilang sinabi sa kanilang puso, ating gibaing paminsan: kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain. 9 Hindi namin nakikita ang aming mga tanda: Wala nang propeta pa; at wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan. 10 Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man? 11 Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan? Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila. 12 Gayon ma'y ang Dios ay aking Hari ng una, na nagliligtas sa gitna ng lupa. 13 Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan: iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga buwaya sa mga tubig. 14 Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng leviatan, ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang. 15 Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog: iyong tinutuyo ang mga malaking ilog. 16 Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin: iyong inihanda ang liwanag at ang araw. 17 Iyong inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa: iyong ginawa ang taginit at taginaw. 18 Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon, at nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan. 19 Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop: huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man. 20 Magkaroong pitagan ka sa tipan: sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan. 21 Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi: pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan. 22 Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap: alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw. 23 Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway: ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.
1 En læresalme av Asaf. Hvorfor, Gud, har du forkastet oss for evig tid? Hvorfor ryker din vrede mot den hjord du før?2 Kom i hu din menighet, som du vant din i fordums tid, som du gjenløste til å være din arvs stamme, Sions berg, hvor du tok bolig!3 Opløft dine trin til de evige grushoper! Alt har fienden fordervet i helligdommen.4 Dine motstandere har brølt midt i ditt forsamlingshus; de har satt sine egne tegn op til tegn.5 Det var et syn som når økser løftes i tykke skogen.6 Og nu, alt det som fantes av billedverk, det slo de sønder med øks og hammer.7 De har satt ild på din helligdom; like til grunnen har de vanhelliget ditt navns bolig.8 De har sagt i sitt hjerte: Vi vil ødelegge dem alle tilsammen! De har opbrent alle Guds forsamlingshus i landet.9 Våre egne tegn ser vi ikke; det er ikke nogen profet mere, ikke nogen hos oss som vet hvor lenge det skal vare.10 Hvor lenge, Gud, skal motstanderen håne, fienden forakte ditt navn evindelig?11 Hvorfor drar du din hånd, din høire hånd tilbake? Ta den ut av din barm og ødelegg!12 Gud er dog min konge fra fordums tid, han som skaper frelse på den vide jord.13 Du er den som skilte havet med din styrke, knuste dragenes hoder på vannene.14 Du sønderslo Leviatans* hoder, du gav den til føde for ørkenens folk. / {* d.e. et stort sjødyr.}15 Du lot kilde og bekk bryte frem, du uttørket evige strømmer.16 Dig hører dagen til, dig også natten; du har skapt himmellysene og solen.17 Du har fastsatt alle jordens grenser; sommer og vinter - du har dannet dem.18 Kom dette i hu: Fienden har hånet Herren, og et dårlig folk har foraktet ditt navn!19 Overgi ikke din turteldue til den mordlystne skare, glem ikke dine elendiges skare evindelig!20 Se til pakten! For landets mørke steder er fulle av volds boliger.21 La ikke den undertrykte vende tilbake med skam, la den elendige og fattige love ditt navn!22 Reis dig, Gud, før din sak, kom i hu at du blir hånet av dåren hele dagen!23 Glem ikke dine fienders røst, dine motstanderes bulder, som stiger op all tid!