11 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 12 "Narinig ko ang pagrereklamo ng mga Israelita. Sabihin mo sa kanila, ‘Sa pagsapit ng gabi, kakain sila ng karne at sa umaga namaʼy magpapakabusog sila sa tinapay. At malalaman ninyong ako ang Panginoon na inyong Diyos.’ "
13 Nang sumapit na ang gabi, dumagsa ang mga pugo at napuno nito ang buong kampo. Kinaumagahan, nabalot ng hamog ang buong kampo. 14 Nang mawala ang hamog, may nakita silang maliliit na bagay sa lupa na puting-puti. 15 Hindi nila alam kung ano ito kaya nagtanungan sila, "Ano kaya iyan?"
Sinabi ni Moises sa kanila, "Iyan ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kainin.