Pular para o conteúdo
Publicidade

Êxodo 18

17 Sinabi ni Jetro, "Hindi tama ang pamamaraan mong ito. 18 Pinapahirapan mo lang ang sarili mo at ang mga taong ito. Napakahirap nito kung ikaw lang. 19 Makinig ka sa akin at papayuhan kita, at sanaʼy samahan ka ng Diyos. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mong paglapit sa Diyos para sa mga tao. Dalhin mo ang mga kaso nila sa kanya. 20 Ipagpatuloy mo rin ang pagtuturo mo sa kanila ng mga tuntunin at kautusan ng Diyos. Turuan mo rin sila kung paano mamuhay at kung ano ang gagawin nila. 21 At pumili ka sa taong-bayan ng mga lalaking may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at hindi tumatanggap ng suhol. Gawin mo silang mga pinuno ng mga pangkat na binubuo ng isang libo, isang daan, limampu at sampung tao. 22 Maglilingkod sila bilang mga hukom sa lahat ng oras. Sila ang magpapasya sa simpleng mga kaso, pero dadalhin nila sa iyo ang mabibigat na kaso. Sa ganitong paraan, mapapagaan ang trabaho mo dahil matutulungan ka nila. 23 Alam kong ito ang gusto ng Diyos na gawin mo, at kung susundin mo ito, hindi ka na mahihirapan. At makakauwi ang mga taong ito nang mapayapa."

Veja também