5 Ngayon, lumusong ang anak na babae ng Faraon sa Ilog Nilo upang maligo. Habang naliligo ang prinsesa,2:5 prinsesa: Sa literal, anak na babae ng Faraon. Ganito rin sa talata 7|EXO 2:7, 8|EXO 2:8, 9|EXO 2:9, 10|EXO 2:10. ang mga utusang babae naman niya ay naglalakad-lakad sa pampang. Nakita ng prinsesa ang basket sa matataas na damo kaya ipinakuha niya ito sa isa sa kanyang mga utusan.
10 Nang lumaki na ang sanggol, dinala siya ng kanyang ina sa prinsesa at itinuring siya ng prinsesa bilang tunay niyang anak. Pinangalanan ng prinsesa ang bata na Moises,2:10 Moises: Maaaring ang ibig sabihin, kinuha. dahil sinabi niya, "Kinuha ko siya sa tubig."