20 Pagkatapos, sinabi ng Diyos, "Mapuno ang tubig ng napakaraming uri ng nilalang at magsilipad ang mga ibon sa himpapawid." 21 Kaya nilikha ng Diyos ang malalaking hayop sa dagat, at ang lahat ng uri ng nilalang na pumupuno at gumagalaw sa tubig, at ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos sa nakita niya. 22 At binasbasan niya ang mga ito. Sinabi niya, "Magkaanak kayo at magpakarami, kayong mga nilalang sa tubig, at punuin ninyo ang mga dagat, at magpakarami kayo, kayong mga ibon." 23 Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalimang araw.
24 Pagkatapos, sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng ibaʼt ibang uri ng nilalang sa lupa: mga hayop na maaamo at maiilap, at lahat ng uri ng nilalang na gumagapang." At iyon nga ang nangyari.