Pular para o conteúdo
Publicidade

Gênesis 16

Si Hagar at si Ismael

1 Si Sarai na asawa ni Abram ay hindi magkaanak. Ngunit may alipin siyang babae na taga-Ehipto na ang pangalan ay Hagar. 2 Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, "Sapagkat hindi pinahintulutan ng Panginoon na akoʼy magkaanak, sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya."

Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa. 3 Kaya ibinigay ni Sarai ang kanyang Ehipsiyong alipin na si Hagar kay Abram upang maging asawa nito. (Nangyari ito matapos manirahan si Abram sa Canaan ng sampung taon.)

Veja também