18 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, "Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya."
19 Nilikha ng Panginoong Diyos mula sa lupa ang lahat ng uri ng hayop na nakatira sa lupa pati ang lahat ng uri ng hayop na lumilipad. Pagkatapos, dinala niya ang mga ito sa tao upang tingnan kung ano ang ipapangalan nito sa kanila. At kung ano ang itatawag ng tao sa kanila, iyon ang magiging pangalan nila. 20 Kaya pinangalanan ng tao ang lahat ng hayop na maaamo at maiilap, at ang mga ibon sa himpapawid.
Ngunit para sa kanya, wala kahit isa sa kanila ang nababagay na maging kasama niya na makakatulong sa kanya. 21 Kaya pinatulog ng Panginoong Diyos ang lalaki nang mahimbing. At habang natutulog siya, kinuha ng Panginoong Diyos ang isa sa mga tadyang niya2:21 isa sa mga tadyang niya: O isang parte sa tagiliran ng lalaki. at pinaghilom ang laman na pinagkuhanan nito. 22 Mula sa tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki, gumawa siya ng isang babae, at dinala ito sa lalaki.
23 Sinabi ng lalaki,
"Narito na ang isang tulad ko!
Buto na kinuha sa aking mga buto,
at laman na kinuha sa aking laman.
Tatawagin siyang ‘babae,’
dahil kinuha siya mula sa lalaki."
24 Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.