16 Sinabi niya, "Ito ang sabi ng Panginoon: Sumusumpa ako sa sarili ko na dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, 17 tiyak na pagpapalain kita at gagawin ko ang lahi mong kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. 18 At sa pamamagitan ng iyong mga lahi,22:18 mga lahi: O lahi. pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil sumunod ka sa akin."