Pular para o conteúdo
Publicidade

Gênesis 1

26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos, "Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid, sa mga hayop na maaamo at maiilap, at sa lahat ng nilalang na gumagapang sa lupa."

27 Kaya nilikha ng Diyos ang tao,

lalaki at babae

ayon sa wangis niya.

28 Binasbasan sila ng Diyos at sinabi, "Magkaanak kayo at magpakarami. Punuin ninyo ang daigdig at pamahalaan ninyo ito. Pamunuan ninyo ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat nilalang na gumagalaw sa lupa."

Veja também