18 Sa araw na iyon, gumawa ng kasunduan ang Panginoon kay Abram. Sinabi niya, "Ibibigay ko sa mga lahi mo ang lupaing ito mula sa dulo ng ilog na hangganan ng Ehipto hanggang sa malaking ilog na Eufrates. 19 Ito ang lupain ng mga Cineo, Cenizeo, Cadmoneo, 20 Heteo, Perezeo, Refaita, 21 Amoreo, Cananeo, Gergeseo, at mga Jebuseo."
Publicidade