21 Kaya pinatulog ng Panginoong Diyos ang lalaki nang mahimbing. At habang natutulog siya, kinuha ng Panginoong Diyos ang isa sa mga tadyang niya2:21 isa sa mga tadyang niya: O isang parte sa tagiliran ng lalaki. at pinaghilom ang laman na pinagkuhanan nito. 22 Mula sa tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki, gumawa siya ng isang babae, at dinala ito sa lalaki.
23 Sinabi ng lalaki,
"Narito na ang isang tulad ko!
Buto na kinuha sa aking mga buto,
at laman na kinuha sa aking laman.
Tatawagin siyang ‘babae,’
dahil kinuha siya mula sa lalaki."
24 Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.