28 Nawaʼy bigyan ka ng Diyos ng lupaing masagana ang ani
na palaging may hamog na biyaya niya,27:28 hamog na biyaya niya: Sa literal, hamog ng langit.
upang maging sagana ang pagkain at katas ng inumin mo.
29 Nawaʼy magpasakop at maglingkod sa iyo
ang maraming tao.
Nawaʼy maghari ka sa mga kamag-anak mo
at magpasakop sila sa iyo.
Nawaʼy ang sumusumpa sa iyo ay susumpain din,
at ang magpapala sa iyo ay pagpapalain din."