41 Kinapootan ni Esau si Jacob dahil sa basbas na ibinigay ng kanyang ama kay Jacob. Sinabi ni Esau sa kanyang sarili, "Malapit nang mamatay si ama; kapag namatay na siya, papatayin ko si Jacob."
42 Ngunit nabalitaan ni Rebeca ang balak ni Esau, kaya ipinatawag niya si Jacob at sinabi, "Ang kuya mong si Esau ay balak kang patayin upang mawala ang galit niya sa iyo. 43 Kaya makinig ka sa sasabihin ko: Tumakas ka at pumunta sa Haran, doon sa kapatid kong si Laban. 44 Doon ka muna hanggang mawala ang galit ng iyong kuya, 45 at makalimutan na niya ang iyong ginawa sa kanya. Ipapasundo na lang kita roon kapag hindi na siya galit sa iyo. Hindi ko hahayaang mawala kayong dalawa sa akin sa loob ng isang araw."