7 Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak niyang lalaki at ang mga asawa nila upang hindi sila mamatay sa baha. 8 Mga pares ng malinis at maruming hayop, ng mga ibon at ng lahat ng nilalang na gumagalaw sa lupa 9 ay dumating kay Noe at pumasok sa barko, magkakapares na lalaki at babae, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe. 10 At pagkalipas ng pitong araw, bumaha nga sa daigdig.
Publicidade