Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 10

Ang Turo ni Hesus tungkol sa Diborsiyo

Mateo 19:1-12; Lucas 16:18

1 Umalis si Hesus sa  at pumunta sa lalawigan ng , at saka tumawid sa Ilog . Pinuntahan siya roon ng maraming tao, at tulad ng kanyang nakagawian ay nangaral siya sa kanila.

2 Samantala, may mga Pariseong pumunta sa kanya at nagtanong para subukin siya. Sinabi nila, "Ipinapahintulot ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?"

3 Tinanong din sila ni Hesus, "Ano ba ang iniutos sa inyo ni ?"

4 Sumagot ang mga Pariseo, "Ipinahintulot ni na gumawa ang isang lalaki ng kasulatan ng paghihiwalay, at pagkatapos ay puwede na niyang hiwalayan ang kanyang asawa."10:4 Deu. 24:1.

5 Sinabi sa kanila ni Hesus, "Ibinigay ni Moises sa inyo ang kautusang iyan dahil sa katigasan ng ulo ninyo. 6 Ngunit sa simula pa, nang likhain ng Diyos ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae.’10:6 Gen. 1:27; 5:2. 7 ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. 8 At silang dalawa ay magiging isa.’10:8 Gen. 2:24. Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. 9 Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

10 Pagbalik nila sa bahay, tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol dito. 11 Sinabi niya sa kanila, "Kung hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at nag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang unang asawa. 12 At kung hiniwalayan ng isang babae ang kanyang asawa at nag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala rin ng pangangalunya."

Pinagpala ni Hesus ang Maliliit na Bata

Mateo 19:13-15; Lucas 18:15-17

13 May mga taong nagdala ng kanilang maliliit na anak kay Hesus para patungan niya ng kamay at pagpalain. Ngunit pinagbawalan sila ng mga alagad. 14 Nang makita ni Hesus ang nangyari, nagalit siya at sinabi sa mga alagad niya, "Hayaan nʼyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag nʼyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. 15 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng pagtanggap ng isang maliit na bata ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos." 16 Pagkatapos nitoʼy kinalong niya ang mga bata, ipinatong ang kanyang kamay sa kanila at pinagpala.

Ang Lalaking Mayaman at ang Kaharian ng Diyos

Mateo 19:16-30; Lucas 18:18-30

17 Nang paalis na si Hesus, isang lalaki ang patakbong lumapit sa kanya at lumuhod. Nagtanong ang lalaki, "Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?"

18 Sumagot si Hesus, "Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Diyos lang ang mabuti, wala nang iba! 19 Alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi nang kasinungalingan, huwag kang mandadaya, at igalang mo ang iyong mga magulang.’ "10:19 Exo. 20:12-16; Deu. 5:20.

20 Sumagot ang lalaki, "Guro, sinusunod ko po ang lahat ng iyan mula pagkabata."

21 Tiningnan siya ni Hesus nang may pagmamahal at sinabi, "Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang mga ari-arian mo, at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin."

22 Nanlumo ang lalaki nang marinig ito. At umalis siyang malungkot, sapagkat napakayaman niya.

23 Tumingin si Hesus sa paligid at sinabi sa mga alagad niya, "Napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos."

24 Nagtaka sila sa sinabi ni Hesus, kaya sinabi niyang muli, "Mga anak, napakahirap10:24 Sa ilang manuskrito, may dagdag na para sa mga nagtitiwala sa kayamanan. talagang makapasok sa kaharian ng Diyos. 25 Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos."

26 Lalong nagtaka ang mga alagad niya, kaya nagtanong sila, "Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?"

27 Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos."

28 Sinabi sa kanya ni , "Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo."

29 Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang lahat ng nag-iwan ng bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin at sa Magandang Balita 30 ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, mga lupa, pati mga pag-uusig. At tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon. 31 Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila."

Ipinahayag Muli ni Hesus ang Kanyang Kamatayan

Mateo 20:17-19; Lucas 18:31-34

32 Habang naglalakad sila papuntang , nauna sa kanila si Hesus. Kinakabahan ang mga alagad niya at natatakot naman ang iba pang sumusunod sa kanila. Ibinukod ni Hesus ang labindalawang alagad at muli niyang sinabi kung ano ang mangyayari sa kanya, 33 "Makinig kayo! Papunta na tayo sa , at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil. 34 Iinsultuhin nila siya, duduraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw."

Ang Kahilingan nina Santiago at Juan

Mateo 20:20-28

35 Lumapit kay Hesus sina at na mga anak ni at nagsabi, "Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo."

36 "Ano ang kahilingan ninyo?" tanong ni Hesus.

37 Sumagot sila, "Sana po, kapag naghahari na kayo ay paupuin nʼyo kami sa inyong tabi; isa sa kanan at isa sa kaliwa."

38 Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko? Makakaya ba ninyong mabautismuhan sa bautismong daranasin ko?10:38 O Makakaya ba ninyong tiisin ang hirap na aking daranasin?"

39 Sumagot sila, "Opo, kaya namin."

Sinabi ni Hesus, "Iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, at babautismuhan kayo sa bautismong tatanggapin ko.10:39 O Mararanasan nga ninyo ang pagdurusa at hirap na daranasin ko. 40 Ngunit hindi ako ang pumipili kung sino ang uupo sa kanan o kaliwa ko. Ang mga itoʼy para sa mga taong pinaglaanan nito."

41 Nang malaman ng sampung alagad kung ano ang hiningi nina at , nagalit sila sa kanila. 42 Kaya tinawag silang lahat ni Hesus at sinabi, "Alam nʼyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga bansa ay may kapangyarihan sa mga taong nasasakupan nila, at kahit ano ang gustuhin nila ay nasusunod. 43 Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo. 44 At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. 45 Sapagkat kahit ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang tubusin ang maraming tao!"

Pinagaling ni Hesus ang Bulag na si Bartimeo

Mateo 20:29-34; Lucas 18:35-43

46 Dumating sina Hesus sa Jerico. At nang paalis na siya roon kasama ang mga alagad niya, sumunod sa kanila ang napakaraming tao. Sa tabi ng daan, may isang bulag na nakaupo at namamalimos. Siyaʼy si Bartimeo (na ang ibig sabihin ay "anak ni Timeo"). 47 Nang marinig niyang dumadaan si Hesus na taga-, sumigaw siya, "Hesus, Anak ni David,10:47 Anak ni David: Ito ang tawag ng mga Hudyo sa Mesias o Kristo dahil sa paniniwalang galing siya sa angkan ni David. Ganito rin sa ibang bahagi ng Bibliya kung saan ginamit ang katagang ito. maawa po kayo sa akin!"

48 Pinagsabihan siya ng maraming tao na tumahimik, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, "Anak ni David, maawa po kayo sa akin!"

49 Tumigil si Hesus at sinabi, "Tawagin ninyo siya."

Kaya tinawag nila si Bartimeo at sinabi, "Lakasan mo ang loob mo. Tumayo ka, dahil ipinapatawag ka ni Hesus." 50 Inihagis ni Bartimeo ang balabal niya at dali-daling tumayo at lumapit kay Hesus.

51 Tinanong siya ni Hesus, "Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?"

Sumagot ang bulag, "Rabbi, gusto ko pong makakita."

52 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Umuwi ka na; pinagaling10:52 pinagaling: O iniligtas. ka ng iyong pananampalataya." Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus sa daan.

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Cafarnaum
Hoje: Kfar Nahum (Galileia), Israel
ΚαπερναούμKapernaoum
Cafarnaum é a cidade da Galileia, junto ao mar, onde Jesus foi viver ao deixar Nazaré; ali ele ensinou na sinagoga, e um centurião lhe pediu ajuda (Mateus 4:13).
32,88° N, 35,58° L
Citado em 18 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Judeia
Hoje: Judeia (Sul de Israel)
ἸουδαίαIoudaiaיְהוּדָהyehudah
Judeia é a terra onde fica Belém, cidade em que Jesus nasceu no tempo do rei Herodes. Pôncio Pilatos era governador da Judeia, e ali os judeus procuravam matar Jesus (Mateus 2:1).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 52 versículosTb.: Judéia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Rio / Ribeiro
Jordão
Hoje: Rio Jordão
ἸορδάνηςIordanēsיַרְדֵּןyarden
Jordão é o rio em cujo meio Josué ergueu doze pedras, onde pararam os sacerdotes que levavam a arca da aliança. A fronteira da terra descia ao longo do rio até o mar Salgado (Josué 4:9).
31,76° N, 35,56° L
Citado em 202 versículosTb.: rio Jordão
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
ΜωϋσῆςMōüsē͂sמֹשֶׁ֔הmosheh
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
ΜωϋσῆςMōüsē͂sמֹשֶׁ֔הmosheh
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Pessoa
G2385
Tiago
ἸάκωβοςI̓ákōbosיַעֲקֹ֑בyaaqov
Tiago, filho de Zebedeu e irmão de João, foi um dos doze apóstolos, chamado por Jesus junto ao mar da Galileia, e morreu à espada por ordem de Herodes (Atos 12:2).
Citado em 19 versículos
Ver página completa
Pessoa
G2491
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João, filho de Zebedeu e irmão de Tiago, deixou o barco do pai para seguir Jesus, foi um dos doze apóstolos e esteve com ele na transfiguração (Marcos 1:19).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Pessoa
G2199
Zebedeu
ΖεβεδαῖοςZebedai͂osזַבְדִּיzavədiy
Zebedeu, pescador da Galileia, foi o pai dos apóstolos Tiago e João, que deixaram o barco e o pai para seguir Jesus (Mateus 4:21).
Significado: “O Senhor concede”
Ver página completa
Pessoa
G2385
Tiago
ἸάκωβοςI̓ákōbosיַעֲקֹ֑בyaaqov
Tiago, filho de Zebedeu e irmão de João, foi um dos doze apóstolos, chamado por Jesus junto ao mar da Galileia, e morreu à espada por ordem de Herodes (Atos 12:2).
Citado em 19 versículos
Ver página completa
Pessoa
G2491
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João, filho de Zebedeu e irmão de Tiago, deixou o barco do pai para seguir Jesus, foi um dos doze apóstolos e esteve com ele na transfiguração (Marcos 1:19).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Nazaré
Hoje: Nazaré, Israel
ΝαζαρέθNazareth
Nazaré é a cidade da Galileia onde Jesus foi criado e onde, num sábado, ele entrou na sinagoga e se levantou para ler (Lucas 4:16).
32,70° N, 35,30° L
Citado em 32 versículosTb.: Nazareno
Ver página completa
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.