5 Ngayon, bumaba ang Panginoon upang tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore. 6 Sinabi ng Panginoon, "Ang mga taong ito ay nagkakaisa at may isang wika lang. At ang ginagawa nilang ito ay simula pa lamang ng mga binabalak pa nilang gawin. Hindi magtatagal, gagawin nila ang kahit anong gusto nilang gawin. 7 Kaya bumaba tayo. Pag-iba-ibahin natin ang wika nila upang hindi sila magkaintindihan."
8 Kaya ikinalat sila ng Panginoon sa buong mundo, at nahinto ang pagtatayo nila ng lungsod. 9 Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel11:9 Babel: O Babilonia. Maaaring ang ibig sabihin ay ginulo. dahil doon pinag-iba-iba ng Panginoon ang wika ng mga tao, at mula roon ay pinangalat niya sila sa buong mundo.