Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 4

12 Kahit magtanim ka pa, ang lupa ay hindi na magbibigay sa iyo ng ani. At wala kang pirmihang matitirhan, kaya magpapagala-gala ka kahit saan."

13 Sinabi ni Cain sa Panginoon, "Napakabigat ng parusang ito para sa akin. 14 Itinataboy ninyo ako ngayon sa lupaing ito at sa inyong harapan. Wala na akong matitirhan, at akoʼy magiging isang palaboy. At sinumang makakita sa akin, tiyak na papatayin ako."

15 Ngunit sinabi ng Panginoon kay Cain, "Hindi iyan mangyayari sa iyo! Sapagkat ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko ng pitong beses."4:15 pitong beses: Ang ibig sabihin, pitong beses ang tindi ng ganti. Kaya nilagyan ng Panginoon ng palatandaan si Cain upang hindi siya patayin ng kahit sinong makakakita sa kanya. 16 Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa lugar ng Nod,4:16 Nod: Maaaring ang ibig sabihin, magiging palaboy o magpagala-gala. sa bandang silangan ng Eden.

Veja também