Pular para o conteúdo
Publicidade

Genesis 45

Nagpakilala si Jose sa Kanyang mga Kapatid

1 Hindi na mapigilan ni Jose ang kanyang sarili, kaya pinalabas niya ang kanyang mga alipin. At nang sila na lamang ang naroon, nagpakilala siya sa kanyang mga kapatid. 2 Umiyak nang malakas si Jose kaya narinig ito ng mga Ehipsiyo at ng sambahayan ng Faraon.

3 Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, "Ako si Jose! Totoo bang buháy pa ang ating ama?" Ngunit hindi nakasagot sa kanya ang mga kapatid niya dahil natulala sila.

Veja também