5 Ngayon, huwag kayong mag-alala at huwag ninyong sisihin ang sarili nʼyo dahil ipinagbili nʼyo ako rito, dahil ang Diyos ang siyang nagsugo sa akin dito upang iligtas ang buhay ninyo. 6 Ikalawang taon pa lang ito ng taggutom, at may susunod pang limang taon na walang ani. 7 Ngunit sinugo ako rito ng Diyos upang mailigtas kayo at mapanatili ang marami sa inyo rito sa mundo.
8 "Kaya, hindi kayo ang nagpadala sa akin dito kundi ang Diyos. Ginawa niya akong tagapayo ng Faraon, tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng buong Ehipto.