1Tumatawag ako sa inyo, Panginoon,ang aking Batong kanlungan.Dinggin nʼyo ang aking dalangin!Dahil kung hindi, matutulad akosa mga patay na nasa libingan.
7Kayo ang nagpapalakasat nag-iingat sa akin.Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.Tinutulungan nʼyo ako,kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
9Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo.Katulad ng isang pastol,bantayan nʼyo sila,at kalungin magpakailanman.