Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 6

Ang Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga

Mateo 12:1-8; Marcos 2:23-28

1 Isang Araw ng Pamamahinga, napadaan sina Hesus sa isang triguhan. Namitas ng trigo ang mga alagad niya, kiniskis ito sa mga kamay nila, at pagkatapos ay kinain ang mga butil. 2 Kaya sinabi ng ilang Pariseo, "Bakit kayo gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?"

3 Sinagot sila ni Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni nang magutom siya at ang mga kasamahan niya? 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumuha ng tinapay na inihandog sa Diyos at kinain ito. Binigyan pa niya ang mga kasamahan niya, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon." 5 At sinabi pa ni Hesus sa kanila, "Ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga."

Ang Lalaking Paralisado ang Isang Kamay

Mateo 12:9-14; Marcos 3:1-6

6 Noong isa pang Araw ng Pamamahinga, pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki roon na paralisado ang kanang kamay. 7 Binantayang mabuti ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo si Hesus kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. 8 Ngunit alam niya ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, "Halika, tumayo ka rito sa harapan." Lumapit nga ito at tumayo roon.

9 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?"

10 Tiningnan niya silang lahat, at sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito. 11 Ngunit nagngitngit sa galit ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan, kaya pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Hesus.

Pumili si Hesus ng Labindalawang Apostol

Mateo 10:1-4; Marcos 3:13-19

12 Nang panahong iyon, pumunta si Hesus sa bundok at magdamag na nanalangin sa Diyos. 13 Kinaumagahan, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili siya ng labindalawa mula sa kanila, na tinawag niyang mga apostol.

14 Ito ay sina (na tinawag niyang ), at Andres na kapatid nito,

sina at ,

sina , Bartolome,

15 Mateo, Tomas,

na anak ni Alfeo,

Simon na makabayan6:15 makabayan: Si Simon ay naging kabilang sa grupo ng mga Hudyong lumalaban sa mga taga-Roma.,

16  na anak ng isa pang Santiago,

at si Iscariote na siyang nagtraydor kay Hesus.

Ang Pinagpala at ang Kahabag-habag

Mateo 4:23-25; Mateo 5:1-12

17 Pagkatapos nito, bumaba sila mula sa bundok at tumigil sa isang patag na lugar. Naroon ang malaking grupo ng alagad niya at ang napakaraming taong nanggaling sa , , at sa baybayin ng at . 18 Pumunta sila roon upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga sakit. Ang lahat ng pinahihirapan ng masasamáng espiritu ay gumaling. 19 Sinikap ng lahat ng tao roon na mahipo siya, dahil may kapangyarihang nagmumula sa kanya na nagpapagaling sa lahat.

20 Tumingin si Hesus sa mga alagad niya at sinabi,

"Pinagpala kayong mga mahihirap,

sapagkat kabilang kayo sa kaharian ng Diyos.

21 Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon,

sapagkat bubusugin kayo.

Pinagpala kayong mga umiiyak ngayon,

sapagkat tatawa kayo.

22 Pinagpala kayo kung kinamumuhian kayo ng mga tao,

kung itinatakwil at iniinsulto kayo,

at sinisiraan ang inyong pangalan

dahil sa pagsunod ninyo sa Anak ng Tao.

23 "Ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta noon. Kaya kung gawin ito sa inyo, magalak kayo at lumukso sa tuwa, dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit.

24 Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman,

sapagkat natamasa na ninyo ang inyong kasaganaan.

25 Kahabag-habag kayong mga busog ngayon,

sapagkat magugutom kayo.

Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon,

sapagkat magluluksa kayo at iiyak.

26 Kahabag-habag kayo kung pinupuri kayo ng lahat ng tao,

sapagkat ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.

Pagmamahal sa Kaaway

Mateo 5:38-48; Mateo 7:12

27 "Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. 28 Pagpalain ninyo ang mga nagbibitaw ng sumpa laban sa inyo. At ipanalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo. 29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag may kumukuha ng balabal mo, huwag mong ipagkait pati ang iyong damit. 30 Bigyan mo ang sinumang humihingi sa iyo; at kapag may kumuha ng iyong pag-aari ay huwag mo na itong bawiin pa. 31 Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo.

32 "Kung ang mamahalin lang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Minamahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila. 33 At kung ang gagawan lang ninyo ng mabuti ay ang mga taong mabuti sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Ginagawa rin iyan ng mga makasalanan. 34 At kung ang pinapahiram lang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makakabayad sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa kapwa nila makasalanan sa pag-asang mababayaran sila. 35 Sa halip, ito ang inyong gawin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti. Kung magpapahiram kayo, magpahiram kayo nang hindi umaasa ng anumang kabayaran. Malaking gantimpala ang tatanggapin ninyo, at makikilala kayong mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat mabuti siya kahit sa masasama at sa mga walang utang na loob. 36 Maging maawain kayo tulad ng inyong Amang maawain.

Huwag Husgahan ang Kapwa

Mateo 7:1-5

37 "Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo. 38 Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo."6:38 Sapagkat … sa inyo: Sa literal, Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.

39 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: "Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang kapwa bulag? Hindi kaya sila parehong mahulog sa hukay? 40 Walang mag-aaral na higit sa kanyang guro. Ngunit kapag ganap ang kanyang pagsasanay, magiging katulad siya ng kanyang guro."

41 "Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng kapwa mo, pero hindi mo naman napapansin ang trosong nasa sarili mong mata? 42 Paano mo masasabi sa kanya, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ gayong hindi mo nakikita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang sa gayoʼy makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.

Makikilala ang Puno sa Bunga Nito

Mateo 7:16-20; Mateo 12:33-35

43 "Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. 44 Ang bawat puno ay nakikilala sa bunga nito. Sapagkat hindi naaani ang igos sa matitinik na halaman o napipitas ang ubas sa dawagan. 45 Gayundin naman, ang mabuting tao ay gumagawa ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang kanyang puso. Ngunit ang masamang tao ay gumagawa ng masama dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang pumupuno sa puso ng isang tao ay siya ring umaapaw sa kanyang bibig.

Ang Pagtatayo sa Matibay na Pundasyon

Mateo 7:24-27

46 "Bakit ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo sinusunod ang mga sinasabi ko? 47 Ilalarawan ko sa inyo kung ano ang kahalintulad ng taong lumalapit sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ko at sumusunod rito: 48 Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at nagtayo ng bahay sa pundasyong bato. Nang bumaha at dinaanan ng malakas na agos ang bahay, hindi iyon nayanig dahil matibay ang pagkakatayo. 49 Ngunit ang nakikinig sa mga sinasabi ko pero hindi naman ito sinusunod ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Kayaʼt nang dinaanan ng malakas na agos ang bahay, agad itong nagiba at lubusang nawasak."

Pessoa
Tribo de Judá
Davi
ΔαυιδDauidדָוִֽדdavid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G2385
Tiago
ἸάκωβοςI̓ákōbosיַעֲקֹ֑בyaaqov
Tiago, filho de Zebedeu e irmão de João, foi um dos doze apóstolos, chamado por Jesus junto ao mar da Galileia, e morreu à espada por ordem de Herodes (Atos 12:2).
Citado em 19 versículos
Ver página completa
Pessoa
G2491
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João, filho de Zebedeu e irmão de Tiago, deixou o barco do pai para seguir Jesus, foi um dos doze apóstolos e esteve com ele na transfiguração (Marcos 1:19).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Pessoa
G5376
Filipe
ΦίλιπποςPhílippos
Filipe, de Betsaida, foi um dos doze apóstolos de Jesus e levou Natanael a conhecê-lo (João 1:45).
Citado em 15 versículos
Ver página completa
Pessoa
G2385
Tiago
ἸάκωβοςI̓ákōbosיַעֲקֹ֑בyaaqov
Tiago, filho de Alfeu, foi um dos doze apóstolos de Jesus (Mateus 10:3).
Citado em 4 versículos
Ver página completa
Pessoa
G2492a
Judas
ἸούδαςI̓oúdasיְהוּדָ֑הyəhudah
Judas Iscariotes, filho de Simão, foi um dos Doze e traiu Jesus: foi ter com os chefes dos sacerdotes, chegou com uma multidão armada e beijou Jesus (Mateus 26:49).
Significado: “Louvado”
Ver página completa
Pessoa
G2492a
Judas
ἸούδαςI̓oúdasיְהוּדָ֑הyəhudah
Judas Iscariotes, filho de Simão, foi um dos Doze e traiu Jesus: foi ter com os chefes dos sacerdotes, chegou com uma multidão armada e beijou Jesus (Mateus 26:49).
Significado: “Louvado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Judeia
Hoje: Judeia (Sul de Israel)
ἸουδαίαIoudaiaיְהוּדָהyehudah
Judeia é a terra onde fica Belém, cidade em que Jesus nasceu no tempo do rei Herodes. Pôncio Pilatos era governador da Judeia, e ali os judeus procuravam matar Jesus (Mateus 2:1).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 52 versículosTb.: Judéia
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Tiro
Hoje: Tiro (Sur), Líbano
ΤύροςTurosצֹרtsor
Tiro é uma cidade fortificada, cercada pelo mar, cujo rei Hirão forneceu cedro e ouro a Salomão. Foi anunciado fogo nos seus muros, e Jesus foi à região de Tiro e Sidom (1 Reis 9:11).
33,27° N, 35,20° L
Citado em 64 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Sidom
Hoje: Sidom (Saida), Líbano
ΣιδώνSidōnצִידוֹןtsidon
Sidom é a cidade de onde partiam as fronteiras de Canaã; Jesus disse que Tiro e Sidom teriam se arrependido se nelas tivessem ocorrido os milagres feitos em Corazim e Betsaida (Mateus 11:21).
33,56° N, 35,37° L
Citado em 37 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.