Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaias 40:27-31

OASD Ang Salita ng Diyos

27 Kayong lahi ni Jacob,

bakit kayo nagrereklamo?

Kayong mga mamamayan ng Israel,

paano ninyo nasasabi ito:

"Ang landas namiʼy nakatago

sa Panginoon;

hindi niya pinapansin

ang aming karapatan"?

28 Hindi nʼyo ba alam?

Hindi nʼyo ba narinig?

Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos

na lumikha hanggang sa dulo ng mundo.

Hindi siya napapagod o nanghihina

at walang nakakaarok

ng kanyang pang-unawa.

29 Pinalalakas niya ang mga napapagod

at ang mga nanghihina.

30 Kahit ang mga kabataan ay napapagod,

nanlulupaypay at nabubuwal,

31 ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay muling magkakaroon ng lakas.

Lilipad silang gaya ng isang agila.

Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.

Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    27 Bakit sinasabi mo, Oh Jacob, at sinasalita mo, Oh Israel, Ang daan ko ay lingid sa Panginoon, at nilalagpasan Is. 49:4.ng aking Dios ang kahatulan ko?

    28 Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng Awit 147:5;Rom. 11:33.kaniyang unawa.

    29 Siya’y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan.

    30 Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal:

    31 Nguni’t silang nangaghihintay sa Panginoon ay Awit 103:5.mangagbabagong lakas; sila’y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila’y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila’y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.