Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaías 43

Ang Nag-iisang Tagapagligtas ng Israel

1 Ngunit ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong

lumikha sa iyo, O Israel:

"Huwag kang matakot dahil ililigtas kita.43:1 ililigtas kita: O iniligtas na kita.

Tinawag kita sa iyong pangalan,

at ikaw ay akin.

2 Kapag dumaan ka sa tubig,

akoʼy kasama mo.

Kapag tatawid ka sa mga ilog,

hindi ka malulunod.

Kapag dumaan ka sa apoy,

hindi ka masusunog;

at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.

3 Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos,

ang Banal na Diyos ng Israel,

na iyong Tagapagligtas.

Ibibigay ko ang Ehipto bilang pantubos sa iyo,

ang Etiopia, at ang Seba bilang kapalit mo.

Veja também