4 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon,
"Pagpapalain ko ang mga opisyal nagpakapon
na sumusunod sa mga ipinapagawa ko
sa Araw ng Pamamahinga
at gumagawa ng mga bagay
na nakakalugod sa akin,
at tumutupad sa aking kasunduan.
5 Papayagan ko silang makapasok sa aking Templo
at pararangalan ko sila nang higit pa
sa karangalang ibibigay sa kanila
kung silaʼy nagkaanak.
At hindi sila makakalimutan
ng mga tao magpakailanman.