21 Pagkatapos, nagpadala si Isaiasna anak ni Amozng ganitong mensahe kay Ezequias: Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Dahil nanalangin ka tungkol kay Haring Senaqueribng Asiria, 22 ito ang sinabi ng Panginoonlaban sa kanya:
"Pinagtatawanan at iniinsulto ka
ng mga naninirahan sa Zion,
ang lungsod ng Jerusalem.
Umiiling-iling sila sa paghamak sa iyo
habang ikaʼy nakatalikod.
23 Sino ba ang hinahamak
at nilalapastangan mo?
Sino ang pinagtataasan mo ng boses
at pinagyayabangan mo?
Hindi baʼt ako,
ang Banal na Diyos ng Israel?
24 Kinutya mo ako
sa pamamagitan ng iyong mga sugo.
Sinabi mo pa,
‘Sa pamamagitan ng aking maraming karwahe
naakyat ko ang matataas na mga bundok
pati ang tuktok ng bundok ng Lebanon.
Pinutol ko ang pinakamataas
na mga puno ng sedro
at natatanging sipres nito.
Nakarating ako sa tuktok
na may makapal na kagubatan.
25 Naghukay ako ng balon
sa ibang mga lugar37:25 sa ibang mga lugar: Ito ang nasa Dead Sea Scrolls, ngunit wala sa tekstong Masoretic.
at uminom ng tubig mula rito.
Sa pagdaan ko,
natuyo ang mga sapa sa Ehipto.’
26 "Totoo ngang winasak mo
ang mga tanggulang lungsod.
Ngunit hindi mo ba alam
na matagal ko nang itinakda iyon?
Mula pa noon, naplano ko na ito
at ngayon ginagawa ko na ito.
27 Ang mga mamamayan
ng mga lungsod na iyong nilipol
ay nawalan ng lakas.
Natakot sila at napahiya.
Para silang mga damo sa parang
na madaling malanta,
o mga damong tumutubo sa bubungan ng bahay
na pagkatapos tumubo ay nalanta rin agad.
28 "Ngunit alam ko ang lahat tungkol sa iyo,
kung saan ka nananatili,
kung saan ka galing,
kung saan ka pupunta,
at kung gaano katindi ang galit mo sa akin.
29 Dahil narinig ko ang galit mo
at ang pagmamayabang sa akin,
lalagyan ko ng kawit ang ilong mo,
at bubusalan ko ang bibig mo,
at hihilahin ka pabalik sa iyong pinagmulan,
sa daan na iyong tinahak.
30 "Ito ang magiging tanda para sa iyo, Ezequias:
Sa taóng ito, ang mga bunga
ng mga tanim na kusang tumutubo lang
ang kakainin ninyo.
At sa susunod na taon,
ang mga bunga naman
ng mga tanim na tumubo
mula sa mga dating tanim lang
ang kakainin ninyo.
Ngunit sa ikatlong taon,
makakapagtanim na kayo
ng trigo at makakaani.
Makakapagtanim na rin kayo ng mga ubas
at makakakain ng mga bunga nito.
31 At ang mga natirang buháy sa Juda
ay muling uunlad, katulad ng tanim
na nagkakaugat ng malalim
at namumunga.
32 Sapagkat may mga matitirang buháy
na kakalat mula sa Jerusalem
sa Bundok ng Zion.
Sa kagustuhan ng Panginoonng mga Hukbo
tiyak na itoʼy magaganap.
33 "Kaya ito ang sinasabi ng Panginoontungkol sa hari ng Asiria:
Hindi siya makakapasok
sa lungsod ng Jerusalem,
ni hindi nga siya makakapana
kahit isang palaso rito.
Hindi siya makakalapit na may pananggalang
o kayaʼy mapapaligiran ang lungsod
para lusubin ito.
34 Babalik siya sa kanyang pinanggalingan,
sa daan na kanyang tinahak;
hindi siya makakapasok sa lungsod na ito,"
sabi ng Panginoon.
35 "Ipagtatanggol at ililigtas ko
ang lungsod na ito
para sa karangalan ko
at dahil sa pangako ko
kay Davidna aking lingkod."
36 Pumunta ang anghel ng Panginoonsa kampo ng Asiria at pinatay niya ang 185,000 kawal. Kinaumagahan, paggising ng mga natitirang buhay, nakita nila ang napakaraming bangkay. 37 Dahil dito, umuwi ang hari ng Asiriana si Senaqueribsa Nineveat doon na tumira.
38 Isang araw, habang sumasamba si Senaquerib sa templo ng diyos niyang si Nisroc, pinatay siya ng kanyang dalawang anak na lalaki na sina Adramelecat Sharezersa pamamagitan ng espada at tumakas ang mga ito papunta sa Ararat. At ang anak niyang si Esarhadon ang pumalit sa kanya bilang hari.
Pessoa
H3470
Isaías
יְשַׁעְיָהוּyəsəhyahuΗσαιανĒsaian
Isaías, filho de Amoz, foi o profeta que teve uma visão sobre Judá e Jerusalém nos reinados de Uzias, Jotão, Acaz e Ezequias. Enviou ao rei Ezequias a resposta do Senhor à oração sobre Senaqueribe, rei da Assíria (2 Reis 19:20).
Ezequias, rei de Judá, fez o que era reto aos olhos do Senhor, destruiu os altos e confiou em Deus quando Senaqueribe, rei da Assíria, cercou Jerusalém (2 Reis 18:1).
Senaqueribe, rei da Assíria, tomou as cidades fortificadas de Judá e cercou Jerusalém nos dias de Ezequias, mas o anjo do Senhor feriu o seu exército, e ele voltou para Nínive (2 Reis 18:13).
Assíria é a terra cujos reis tomaram a Galileia e Naftali, cercaram Samaria por três anos e deportaram israelitas para Hala, Habor e Gozã. Senaqueribe, seu rei, enviou servos a Ezequias em Jerusalém (2 Crônicas 32:9).
Sião é a fortaleza que Davi conquistou e que veio a ser a Cidade de Davi; o povo do Senhor vive ali, e foi anunciado que Sião seria arada como um campo (2 Samuel 5:7).
O Líbano é uma terra de montanhas e cedros, de onde se cortava madeira com a ajuda dos sidônios e onde Salomão construiu o que quis, além de Jerusalém e do resto de seu domínio (1 Reis 9:19).
Judá, quarto filho de Jacó e Lia, propôs vender José em vez de matá-lo, teve Perez e Zerá com Tamar e recebeu do pai a bênção do cetro (Gênesis 49:10).
Assíria é a terra cujos reis tomaram a Galileia e Naftali, cercaram Samaria por três anos e deportaram israelitas para Hala, Habor e Gozã. Senaqueribe, seu rei, enviou servos a Ezequias em Jerusalém (2 Crônicas 32:9).
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Assíria é a terra cujos reis tomaram a Galileia e Naftali, cercaram Samaria por três anos e deportaram israelitas para Hala, Habor e Gozã. Senaqueribe, seu rei, enviou servos a Ezequias em Jerusalém (2 Crônicas 32:9).
Senaqueribe, rei da Assíria, tomou as cidades fortificadas de Judá e cercou Jerusalém nos dias de Ezequias, mas o anjo do Senhor feriu o seu exército, e ele voltou para Nínive (2 Reis 18:13).
Nínive é a grande cidade da Assíria para onde Jonas foi mandado pregar contra a maldade que subira até Deus; ali ele anunciou que a cidade seria destruída em quarenta dias (Jonas 3:4).
Em Ararate, nos montes, a arca repousou no sétimo mês, no dia dezessete; para a terra de Ararate fugiram Adrameleque e Sarezer depois de matarem o pai à espada (Gênesis 8:4).