13 "Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga.
Huwag ninyong iisipin
ang pansarili ninyong kapakanan
sa natatanging araw na iyon.
Ipagdiwang ninyo ang Araw ng Pamamahinga,
at parangalan ninyo ang araw ng Panginoon
sa pamamagitan ng pagpipigil
sa mga sarili ninyong kagustuhan at kaligayahan,
at pagtigil sa pagsasalita
nang walang kabuluhan.
14 Kapag ginawa ninyo ito,
magiging maligaya kayo
sa inyong paglilingkod sa akin.
Pararangalan ko kayo
sa buong mundo.
Pasasaganain ko ang ani
ng lupaing inyong minana
sa inyong ninunong si Jacob."
Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.