3 Sinasabi pa nila sa akin,
‘Nag-ayuno kami,
ngunit hindi nʼyo man lamang pinansin.
Nagpapakahirap kami,
ngunit binalewala ninyo.’
"Ang totoo, habang nag-aayuno kayo,
ang sarili ninyong kapakanan
ang inyong iniisip.
Inaapi ninyo
ang inyong mga manggagawa.
4 Nag-aayuno nga kayo,
ngunit nag-aaway-away naman kayo,
nagtatalo, at nagsusuntukan pa.
Huwag ninyong iisipin na
ang ginagawa ninyong pag-aayuno ngayon
ay makakatulong para dinggin ko
ang inyong dalangin.
5 Kapag nag-aayuno kayo,
nagpepenitensya kayo.
Yumuyuko kayo
na parang mga damong kugon.
Nagsusuot kayo ng damit na panluksa58:5 damit na panluksa: Sa Hebreo, sakong damit.
at humihiga sa abo.
Iyan ba ang tinatawag ninyong ayuno?
Akala ba ninyoʼy nakakalugod iyon
sa Panginoon?
6 Ang ayunong makapagpapalugod sa akin
ay ang ayunong may kasamang
matuwid na pag-uugali.
Tigilan ninyo ang paggawa ng kasamaan,
pairalin nʼyo na ang katarungan,
palayain ninyo ang mga inaalipin
at ang inaapi ay inyong tulungan.