Ang Darating na Kaluwalhatian ng Zion
1 "Bumangon ka, Jerusalem,
at magliwanag katulad ng araw,
sapagkat dumating na ang kaligtasan60:1 kaligtasan: Sa literal, ilaw. mo.
Liliwanagan ka
ng kaluwalhatian ng Panginoon.
2 Mababalot ng matinding kadiliman
ang mga bansa sa mundo,
ngunit ikaw ay liliwanagan
ng kaluwalhatian ng Panginoon.
3 Lalapit sa iyong liwanag
ang mga bansa
at ang kanilang mga hari.