Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaias 61

2 Sinugo rin niya ako para ipahayag

na ngayon na ang panahon

na ililigtas ng Panginoon

ang kanyang mga mamamayan

at parurusahan ang kanilang mga kaaway.

3 Sinugo rin niya ako

para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion,

nang sa ganoon,

sa halip na maglagay sila ng abo

sa kanilang ulo bilang tanda

ng pagdadalamhati,

maglalagay sila ng langis

o ng koronang bulaklak

sa kanilang ulo

bilang tanda ng kaligayahan.

Silaʼy magiging parang matibay na puno

na itinanim ng Panginoon.

Kikilalanin silang mga taong matuwid

sa ikakaluwalhati ng Panginoon.

Veja também