Hahatulan ng Panginoon ang mga Bansa
1 Ito ang sinasabi ng Panginoon,
"Ang langit ang aking trono,
at ang lupa ang aking apakan.
Anong uri ng bahay
ang gagawin nʼyo para sa akin?
Anong lugar ba
ang mapagpapahingahan ko?
2 Hindi baʼt ako ang gumawa
ng lahat ng bagay na ito,
kaya silaʼy nalikha?"
wika ng Panginoon.
"Binibigyang pansin ko
ang mga taong mapagpakumbaba,
nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.