10 Tingnan ninyo,
ang Makapangyarihang Panginoon
ay dumarating
upang ipamalas ang kanyang lakas,
at mamumuno siya na may kapangyarihan.
Paparating siyang dala
ang kanyang natamo,
ang kanyang gantimpala
ay naglalakad sa kanyang harapan.
11 Aalagaan niya ang kanyang
mga mamamayan gaya ng pastol
na nag-aalaga ng kanyang kawan.
Kinakarga niya ang maliliit na tupa
at maingat niyang pinapatnubayan
ang mga inahing tupa.