Publicidade

Provérbios 18

1 Ang taong makasarili

ay humihiwalay sa karamihan

at sumasalungat sa lahat

ng tamang kaisipan.

2 Ang taong hangal

ay hindi naghahangad na matuto;

ang gusto lang niya

ay masabi ang nasa isipan.

3 Ang paggawa ng kasamaan

at nakakahiyang mga bagay

ay makapagbibigay ng kahihiyan.

4 Ang salita ng taong marunong

ay nakapagbibigay ng karunungan sa iba;

ito ay katulad ng tubig na umaagos

mula sa malalim na batis.

5 Hindi mabuting kampihan

ang taong nagkasala

at hindi mabuting ipagkait

ang katarungan

sa taong walang kasalanan.

6 Ang sinasabi ng taong hangal

ang pinagsisimulan ng alitan

at magdadala sa kanya

sa kaguluhan.

7 Ang mga sinasabi ng hangal

ang magpapahamak sa kanya

at ang kanyang mga labi

ay bitag sa kanyang buhay.

8 Ang tsismis

ay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin;

at nakakarating sa kaloob-looban ng tao.

9 Ang taong tamad magtrabaho,

pareho ng mapanirang tao.

10 Ang Panginoon ay katulad

ng toreng matibay,

kanlungan ng mga matuwid

sa oras ng panganib.

11 Ang akala ng taong mayaman

ay maipagtatanggol siya

ng kanyang kayamanan

tulad ng mga pader na nakapalibot

sa buong bayan.

12 Ang pagmamataas ng tao

ang magpapahamak sa kanya,

ngunit ang pagpapakumbaba

ang magpaparangal sa kanya.

13 Hangal at kahiya-hiya

ang taong sumasagot sa usapan

nang hindi muna nakikinig.

14 Sa taong may karamdaman,

tatag ng loob ang magbibigay kalakasan.

Kung mawawalan siya ng pag-asa,

wala nang makakatulong pa sa kanya.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-