2 Ang taong hangal
ay hindi naghahangad na matuto;
ang gusto lang niya
ay masabi ang nasa isipan.
13 Hangal at kahiya-hiya
ang taong sumasagot sa usapan
nang hindi muna nakikinig.
17 Ang unang naglahad ng salaysay sa korte
ay parang iyon na ang totoo,
hanggang hindi pa nasusuri
at natatanong ng kabilang panig.