1 Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan
kaysa sa maraming kayamanan.
Ang paggalang ng tao sa iyo
ay mas mahalaga pa
kaysa pilak at ginto.
7 Ang mahihirap ay nasa ilalim
ng kapangyarihan ng mayayaman,
at ang nangungutang
ay alipin ng nagpapautang.
Ikaapat na Kawikaan
26 Huwag kang mangangako
na magbabayad sa utang ng iba,
27 dahil kapag hindi ka nakapagbayad,
pati ang higaan mo ay kanilang agawin.