Ang Kabutihang Dulot ng Karunungan
1 Anak, huwag mong kalilimutan
ang mga itinuturo ko sa iyo.
Ingatan mo sa iyong puso
ang mga iniuutos ko,
2 sapagkat ito ang magpapahaba
at magpapaunlad ng iyong buhay.
3 Manatili kang mapagmahal at matapat;
alalahanin mo itong lagi
at itatak sa iyong isipan.
4 Kapag ginawa mo ito,
malulugod ang Diyos
pati na ang mga tao.
5 Magtiwala ka nang buong puso
sa Panginoon
at huwag kang manalig
sa iyong sariling karunungan.
6 Alalahanin mo ang Panginoon
sa lahat ng iyong ginagawa
at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
7 Huwag mong isiping
napakarunong mo na.
Matakot ka sa Panginoon,
at huwag gumawa ng masama.
8 Para iyon sa ikabubuti
at ikalalakas ng iyong katawan.